Day 1 Lent Meditation
Ito ang kwento ng Galit.
Maraming ugat ang galit, at ito ay isa lamang manifestation. Manifestation ng insecurity, pride, unhappiness, loneliness and bitterness.
Galit ka kasi hindi pwedeng tama siya at mali ka.
Galit ka kasi hindi mo makuha ang gusto mo.
Galit ka kasi hindi pwedeng masaya siya at loser ka.
Galit ka kasi pakiramdam mo galit din sila sayo.
Galit ka sa mundong nakakagalit, kasi naniniwala kang galit din ang mundo sayo.
Ganitong ganito ang karanasan ko.
Ito lahat ang ugat ng galit ko.
Pinakamadaling gawin ang magalit. Mas madali din hanapin ang mga bagay na nakakagalit sa kapwa kaysa kaibig-ibig. In fact, dumating ako sa puntong di pwedeng mas galit sila, dapat mas galit ako (competitive!).
Although di naman ako mapagtanim ng sama ng loob (honestly), pero magagalitin ako.
Ngunit marami akong natutunan tungkol sa karanasan ko sa Galit at Poot.
Ang Mas Galit ay mas Hindi Nakakatulog.
Yung kinagalitan mo, payapang namumuhay, habang ikaw, di makatulog kasi binabagabag ka ng iyong damdamin at nilalamon ka ng galit.
Hindi batayan ng tapang ang Galit.
May joke dati na para di ka awayin, unahan mo na ng galit. Hindi totoo yun. Akala mo di ka pinatulan kasi mukha kang matapang pero ang totoo, mas ibinaba mo ang sarili mo kasi you acted out of control.
Nakakagawa ng bagay na kasuklam suklam ang Galit.
Nakakapagsalita at nakakagawa tayo ng mga bagay na pwede nating pagsisihan sa huli.
Walang nasosolusyunan ang galit.
Wala. Nadagdagan pa ang problema mo. Worst, dumagdag ka pa sa problema.
How do we cure anger?
Humility and Self Control.
Ang tanong ay masama ba ang magalit?

Ang Galit ay emosyon, at lahat naman ng tao ay nakararanas nito. What God wants us to do is to control and slow down our anger so we would avoid committing things we will regret after. Anger can break a home. Kaya nitong kumitil ng buhay. Anger can even destroy the very person who experienced it.
Remember Cain and Abel. Remember kung paano pinagsabihan ng Panginoon si Cain na huwag magpadala sa galit, huminahon at mag-isip munang maigi. Hindi niya pinagbawalan si Cain magalit. Ngunit sinasabi ng Panginoon, huwag magpakontrol at magpadala sa galit…
Thank God I found You before I was even destroyed by Anger.
Hello Doc Fi , I can really relate to this vlog of yours, very straightforward ang message, way to go 🥰💪👑
LikeLike