First Outing After Chemo

Early morning of March 1, 2023, Mike and I decided to take teacher Honey (my yoga teacher) out to the beach para kahit paano maunwind din siya. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na makakapag unwind kami ni mike mula ng natapos ko ang chemotherapy ko last september of 2022. During chemo days kasi, di ako makalabas masyado, and can’t even swim sa dagat dahil mainit and chemo made my skin so dry and sensitive kaya madali masunog. Hanggang ngayon madali padin naman ma-irritate pero mas malakas na kasi ang loob ko.

We decided na sa Pakpak-lauin pumunta dahil weekday so wala masyadong tao. Makakapag introvert moments kaming tatlo. (Nagsama sama pa mandin kaming may kanya-kanyang trip sa buhay)

Wala kaming baon kundi pork bacon at samgyup cut beef lang at nagdala nalang kami ng lutuan. Of course di mawawala ang coffee.

Good to Sea you!!!
Tuwing pumupunta ako dito, lagi akong may shot nito. Iba iba lagi ang dating niya kahit pauli ulit kinukuhanan
This is a wooden mug from sagada. Ang sarap niya talaga inuman ng kape isabay pa ang view ng dagat.
It was 8am so masarap pa magpaaraw. Time to recharge and boost my vit D. (📸 by Husband)

Naligo na din kami agad ni mike habang maaga pa. Medyo maalon, masarap kasi parang natural massage na din.

Of course, ang dakilang tagaluto, ang Mahal ko…
Smoked Bacon of Palawan Smokers

Mula january nagrereview lang din si Mike. Di kami makalabas kasi araw araw ang review at hanggang gabi din ang discussion. We want to unwind para fresh din ang mind niya bago mag-exam.

This is also my much needed break para makapagmeditate after everything that has happend to me. My cancer, chemo, and resignation.

Author: docfiatencio

MD, Instant Mom, Cancer Warrior, God's work in progress

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: