Let Go and Let God

I was meditating the other day kung ano ba ang nais kong pagtuunan ng pansin this Lent 2023. I still have the 40 days forgiveness practice pero hindi yun ang tinitibok ng puso ko.

I came across a site where I can get a free copy of a Lent 2023 meditation practice at napakabait ni God for revealing it to me dahil saktong sakto, it is about “Letting Go”.

There has been a lot of things that are weighing me down for the past years; physically, emotionally and spiritually. Reasons bakit hindi ako makausad, hindi makapagpatuloy, bigat na bigat.

Ito na marahil ang panahon para harapin sila at isa-isang pakawalan.

Ikaw? Ano ang nais mong pagnilaynilayan ngayon Semana Santa?

Access this free pdf here: https://www.unity.org/article/40-days-letting-go-lent-2023

Craving for “Bread”

Will be doing One Meal A Day and a Prayer Fast starting tomorrow ASH wednesday until the observance of the Holy Week.

Madalas, we only focus on our foods, physical activities and habits. We do everything we can, everything we think right, but we still fail. Saan tayo nagkukulang? Nagkukulang tayo sa Pag-Asang nagmumula sa Diyos.

There are two types of people based on our Pastor.

  1. Mga taong nais ng pagbabago at ginagawa nila ito sa panamagitan lamang ng kanilang kakayanan at lahat ng bagay na abot ng kanilang kaunawaan. Ngunit hindi nila sinasama ang Diyos sa kanilang mga plano. They do it all alone, only with all their strength and understanding.
  2. Meron namang mga taong dasal ng dasal sa Panginoon, humihingi ng pagbabago at Pag-asa, ngunit ayaw magsakripisyo, mag-effort, at makibahagi sa pagbabagong yun.

Both of these are made to fail.

Anumang pagbabago ang nais natin, pisikal at kalusugan, antas ng pamumuhay, relasyon sa kapwa at maging pagbabagong para sa lipunan, let us not all learn to #sacrifice, #participate, and #Surrender to the Lord.